No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga magsasaka ng Bayombong, tumanggap ng ayuda mula sa DA

Tumanggap ng ayuda mula sa DA ang 200 na magsasaka ng Bayombong, Nueva Vizcaya. Ang tulong ay mula sa Rice Farmers' Financial Assistance ng DA. (Photo from DA CagVal FB Page)

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Tumanggap ng tulong – pinansiyal  kahapon ang 200 na magsasaka sa bayang ito mula sa Department of Agriculture (DA) Region 2.

Ang tulong ay mula sa Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) ng DA na hango mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) upang  matulungan ang mga magsasaka sa bansa.

Ang RCEF ay mula sa collection ng pamahalaan sa rice import tariffs na inilaan sa farm mechanization, seed development, propagation at promotion, credit assistance at extension services.

Tumanggap ng P5,000 ang  bawat magsasaka mula sa barangayg Masoc, Magsaysay at Magapuy sa bayan ng Bayombong.

Pinasalamatan ng LGU officials ang DA dahil sa RFFA para sa mga magsasaka ng bayan.

Ayon kay Mayor Tony Bagasao. tamang-tama ito para sa susunod na farming activities ng mga magsasaka.

Ayon pa sa kanya, umaasa siyang maitataas ang ani ng mga magsasaka ng bayan dahil sa patuloy na tulong ng DA. (OTB/BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch