
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Inaasahang matatapos na sa mga susunod na linggo ang Multi-Purpose Building Project sa barangay Ampakleng sa bayan ng Diadi.
Ayon kay Mayor Sandy Gayaton, ang halagang P2 million na pasilidad ay ipinapatayo at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula sa General Appropriations Act (GAA) sa taong 2022.
“Magsisilbi itong lugar para sa mga programa at sentro ng mga mahahalagang pagtitipon sa nasabing barangay,” pahayag ni Gayaton.
Ayon pa sa kanya, ang nasabing Multi-Purpose Building na may kapasidad na limandaang katao ay malaking tulong sa nasabing barangay.
Dagdag ni Gayaton na hindi problema ng mga mamamayan ng barangay Ampakleng ang lugar para sa kanilang iba’t-ibang mahahalagang pagtitipon sa oras na matatapos ang nasabing proyekto.
“Ang buong barangay officials at bayan ay taos-pusong nagpapasalamat sa DPWH dahil sa mga imprasrakturang ipinapatayo sa bayan at mga barangay na pinakikinabangan na ngayon ng mga mamamayan,” pahayg ni Gayaton. (OTB/BME/PIA NVizcaya)