LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA) -- Kinumpirma ng Philippine Health Insurance Corp o PhilHealth-Bicol na kabuuang 24 na akreditadong mga Konsulta provider ang naitatala na sa lalawigan ng Sorsogon.
Ang Sorsogon ang kauna-unahang probinsya kung saan lahat ng mga health facilities ng bawat Local Government Unit nito ay accredited sa PhilHealth Konsulta Program.
Ang Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon ang may pinakamataas na nakuhang bayad para sa E-Konsulta packages ng PhilHealth sa buong bansa.
Ang PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tama o mas kilala na PhilHealth Konsulta ay ang pinalawak na primary care benefit ng PhilHealth katuwang ang DOH, maaari itong magamit ng lahat ng Pilipino na nakarehistro sa isang Konsulta facility na kanilang pinili na akreditado ng PhilHealth.
Samantala, naging matagumpay naman ang ginawang one-day onsite registration nitong September 21, 2022 na ginanap sa Sorsogon Provl Gymnasium kasabay ng pagbisita ng mga kawani ng PhilHealth.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Health Office Team ng Sorsogon.
Ang aktibidad ay base sa pakikipag-ugnayan ng PhilHealth sa Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon, LGU Sorsogon City at LGU Castilla. (PIA5/Sorsogon)
Dr. Renato Bolo Jr., PHO Sorsogon OIC
Konsulta On-site registration