No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DICT, pinarangalan ang mga modernong bayani ng pandemya

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Matagumpay na isinagawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) mga lokal na pamahalaan na nagsilbing mga bayani noong panahon ng pandemya sa katatapos na Gawad Pasasalamat at Parangal 2022 na ginanap sa Lima Park Hotel, Malvar, Batangas noong ika-15 ng Setyembre.

Ayon kay DICT Regional Director Cheryl Ortega, ang parangal na ito ay isang paraan ng pasasalamat at pagbibigay-pugay sa mga itinuturing na “modern heroes of pandemic” na hindi nagdamot ng kanilang oras at serbisyo upang maglingkod at tulungan ang lahat ng Filipino sa paglaban sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Kinilala ng DICT ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa Calabarzon at Mimaropa na naging katuwang nila upang maging matagumpay sa pag-uupload ng vaccination data at pakikipagtulungan para magtagumpay sa nararanasang pandemya.

Kabilang sa mga ginawaran ng pagkilala sa Calabarzon ang mga sumusunod:Batangas (Province category); Antipolo City (City); Mulanay, Quezon (1st, 2nd, 3rd class municipality) at Mabitac, Laguna (4th, 5th, 6th class).

Nagkaroon din ng mga Special Awards kung saan nakuha ng Balayan LGU ang VaxCertPH Award; Paete, Laguna para sa Most Consistent LGU Award; Calauan LGU para sa DVAS User of the Region habang iginawad ang Bayanihan Act Award sa Santa Rosa City, San Pedro; Binan City; at Losa Banos sa Laguna at Antipolo City sa Rizal .

Sa bahagi ng Mimaropa ay hinirang ang Romblon sa province category; Calapan City, Oriental Mindoro (city category); Bulalacao, Oriental Mindoro (1st, 2nd ,3rd class) at San Andres, Romblon (4th, 5th at 6th class).

Iginawad naman ang VaxCertPHAward sa Mogpog, Marinduque habang ang Odiongan Romblon ang First to Establish VaxCert Booth. Hinirang ang mga bayan ng San Jose,Romblon at Puerto Galera, Oriental Mindoro bilang Most Consistent LGU Award at ang Boac Marinduque para sa DVAS User of the Region.

Nagsilbing basehan sa pagpili ang line list submissions sa pamamagitan ng Vaccine Administration System Line List System (70%) at Jabs Administered Submission thru Vaccine Operations Reporting System (VORS) (30%). (MDC/PIA BATANGAS)





About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch