No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Biyaya sa 500 nasalanta ng bagyong ‘Karding’ sa San Miguel, inihatid

SAN MIGUEL, Bulacan (PIA) -- Bumuhos ang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Karding sa San Miguel, Bulacan.

Una rito ang tig-limang libong Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa 500 naapektuhan.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Office Head Mariola Santos, mayroon pang nakalinyang 400 benepisyaryo ng AICS.

Kalakip ng natanggap na AICS, pinagkalooban din sila ng tig-iisang grocery pack mula sa tanggapan ng Senador Bong Go.

Iba pa rito ang food packs na ipinagkaloob ng pamahalaang bayan at kahung-kahon na noodles mula sa First Scout Ranger Regiment.

Nagbigay din ng 500 food packs ang Philippine Amusement and Gaming Corporation at DSWD kung saan makikinabang ang 3,300 pamilya. (CLJD-PIA 3)

Bumuhos ang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Karding sa San Miguel, Bulacan. Kabilang na riyan ang 500 food packs ang Philippine Amusement and Gaming Corporation. (Shane F. Velasoc/PIA 3)

About the Author

Shane Velasco

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch