No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagbebenta ng produkto sa Agri Center, nagsimula na

Pagbebenta ng produkto sa Agri Center, nagsimula na

 PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA)--Nagsimula na ang trading activity sa Puerto Princesa City Agri Trading Center (PPCATC) na matatagpuan sa barangay Irawan, Puerto Princesa City noong October 4,2022.

Ayon kay City Agriculturist Melissa Macasaet, layunin ng gawain ay para masimulan na ang pagdadala ng mga grupo ng magsasaka, asosasyon at kooperatiba ng kanilang mga produkto. Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng agri center dahil may mapagdadalhan nang lugar ang mga magsasaka sa siyudad.

“Mahalaga  ito sa lahat kaya nga ito isinusulong ng Department of Agriculture, mahalaga dahil may mapagdadalhan ‘yong ating farmers ng mapagbebentahan nila ng nasa maayos na sistema, maayos na presyo, magiging affordable sa ating consumers” giit pa niya.

Ilan pa sa mabibiling produkto sa Puerto Princesa City Agri Trading Center (PPCATC) na matatagpuan sa barangay Irawan, Puerto Princesa City na nagbukas noong October 4,2022. (Larawan ni Mike Escote, PIA Palawan)
Ang mga produktong gulay na ibinibenta ng mga farmers association sa Puerto Princesa City Agri Trading Center (PPCATC) na matatagpuan sa barangay Irawan, Puerto Princesa City. (Larawan ni Mike Escote, PIA Palawan)

Kung mapapansiyan aniya ay nakaayos na, nakabukod-bukod at maramihan o whole sale ang pagbebenta nila sa mga bibili dahil ang tinitingnan nila ay ang kalidad ng produkto na kapag nakarating sa mga pamilyang bumibili ay nasa magandang kalidad pa, mura at ligtas  kainin. Dagdag pa niya, sa pagkakaroon ng agri center naging maayos ang kanilang presyo at nababayaran kaagad, di tulad noon na nadadaya sila kasi may ibang bumibili sa kanila na hindi binabayaran

Maganda rin aniya na nagkaroon ng asosasyon ang mga magsasaka nagkakaroon ng pag-uusap para hindi pare-pareho ang kanilang mga itinatanim na gulay, napag-aaralan rin ang production cost at nagkakaroon ng ‘farm gate price’.


 Nilinaw naman niya na tuwing araw ng Martes lang muna  ang operasyon ng PPCATC kung saan mabibili ang mga ibat-ibang gulay  tulad ng talong, okra, hig value crops tulad ng broccoli at maraming iba pa na produkto ng Inagawan Sub Farmers Association, Kamuning Agri-Business Association (KABA), Local Organization System and Natural Gardening Farmers Association (LOSYANG), Masikap Farmers Association, Sitio Busngol Framers Association (SBFA) at Puerto Princesa City Agri-Producers and Marketing Association (PPAPROMA).

Samantala, kasabay nito ay isinagawa rin ang turn over ceremony kung saan tinanggap ng City Agriculture Office (CAO) ang isang hauling truck with chiller mula sa  Department of Agriculture sa ilalim ng kanilang Enhanced Kadiwa Financial Grant Assistance Program habang dalawang farm association naman ang tumanggap ng  Hand Cultivator mula sa City Agriculture Office sa pamamagitan ng kanilang farm mechanization program. (MCE/PIA MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch