LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Nagsagawa ng field monitoring visit ang MIMAROPA Regional Monitoring Team (RPMT) sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Setyembre 20 hanggang 23. Ininspeksyon ng grupo ang 15 na ongoing at completed projects na matatagpuan sa Lungsod ng Calapan at iba pang mga munisipalidad ng lalawigan; kabilang na rito ang mga bayan ng Bulalacao, Mansalay, Gloria, Pinamalayan, Socorro, Pola, Victoria, San Teodoro at Puerto Galera.
Kabilang sa mga ininspeksyon na proyekto ay ang pagkokonkreto ng Barangay Bigaan-Saclag, Caagutayan Farm to Market Road (FMR) sa bayan ng San Teodoro; Veggie Canton Noodles at Veggie Snacks Production and Marketing sa Pinamalayan; at ang Oriental Mindoro Virgin Coconut Oil Processing and Marketing sa bayan ng Pola. Sa kabuoan, makatutulong ang tatlong subprojects sa mahigit 5,000 magsasaka ng naturang probinsya.
Inaasahan na ang ganitong uri ng mga proyekto at sa pagtutuwang ng iba’t-ibang ahensya, malaki ang magiging ambag sa pagpapaganda at pagpabilis ng produksyon ng mga kalakal mula sa iba’t-ibang bayan ng naturang lalawigan. Aambag din ito sa pangkabuoang kaunlaran ng rehiyon sa pamamagitan ng pag-angkat o import ng mga produkto mula sa mga kalapit na rehiyon
Binubuo ang monitoring team ng mga kinatawan mula DA-PRDP’s Regional Project Coordination Office sa pangunguna ni Deputy Project Director Engr. Annielyn Del Rosario at Monitoring and Evaluation Unit Head Engr. Jean Tirante. Kabilang din ang mga kinatawan ng Department of Budget and Management (DBM), Office of the President- Presidential Management Staff (OP- PMS), National Economic Development Authority (NEDA), at mga miyembro ng provincial local monitoring committee ng Oriental Mindoro sa nag-inspeksyon ng mga naturang proyekto. (JJGS/PIA MIMAROPA)