No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ordinansang para sa kalusugan at nutrisyon, ipinasa sa Batangas City

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ang dalawang ordinansang iniakda ni Councilor Ched Atienza na may kaugnayan sa kalusugan at nutrisyon sa regular na sesyon isinagawa noong ika-4 ng Oktubre.

Isa dito ang Ordinance No. 15 s. of 2022 na may titulong "Regulating the Marketing of Breastmilk Substitutes, Breastmilk Supplements and Related Products in Batangas City, Penalizing Violations Thereof and Other Purposes" o mas kilala sa tawag na Batangas City Milk Ordinance.

Layunin ng naturang ordinansa ang pagsusulong ng pagtangkilik sa breastmilk o gatas ng ina na bukod sa pagiging ligtas ay may  taglay na nutrisyon na kailangan sa unang 1000 araw ng sanggol.

Nakasaad dito ang paglimita sa mga kumpanyang gumagawa ng formula milk ng agresibong kampanya sa pagbebenta ng kanilang produkto.

Batay sa Executive Order No. 51, ang mga kumpanya ng formula milk ay hindi pinapayagang lumahok sa mga aktibidad sa pagpapasuso at hidni maaaring magbenta o magbigay ng libreng halimbawa ng kanilang produkto sa mga health insitutions.

Ikalawang ordinansa na ipinasa ng mg amiyembro ng SP ang Ordinance No. 16 s. 2022 na may titulong “An Ordinance Creating a Comprehensive Nutrition Program to Undernourished Children in Public Day Care, Kindergarten and Elementary Schools in Batangas City and Appropriating Funds Thereof” o mas kilala bilang Comprehensive Child Nutrition Ordinance of Batangas City.

Tutukan ng naturang ordinansa ang mga problemang may kaugnayan sa malnutrisyon at pagpapalaganap ng tamang nutrisyon para sa pisikal at mental na aspeto ng mga kabataan. (MDC/PIA Batangas may ulat mula sa PIO Batangas City)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch