Sinabi ni DTI Isabela Provincial Director Ma. Sofia Narag na 700 timbangan ang sumailalim sa pagsusuri at inspeksiyon ng pinagsamang inspectorate team ng mga LGU at DTI sa isinagawang operation timbang, kung saan ilan sa mga timbangan ay may nakitang depekto at ang mga ito ay kinuha at ipinasakamay sa mg LGU para sa calibration.
Samantala, nakiisa rin ang mga LGUs sa Consumer Welfare Month kung saan nag-display ang mga ito ng banner sa kani-kanilang mga munisipyo at pampublikong pamilihan bilang suporta sa nasabing pagdiriwang.
Lumagda rin ang DTI, LGUs at pribadong pamilihan para gawing pormal at paigtingin ang kooperasyon sa pagsulong ng consumer awareness and protection kung saan ang DTI ay nakipagkasundo sa Xentro Mall Ilagan, Ilagan City Xentro Mall, Xentro Mall Roxas, Xentro Mall Tumauini, at Northstar Mall sa Lungsod ng Ilagan
Nagsagawa ng Operation Timbang ng DTI Isabela sa mga pamilihan sa iba't ibang bayan at lungsod sa lalawigan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Consumer Welfare month. (Larawan mula sa dti Isabela)