Nagsagawa ng localized celebration ng World Teachers Day ang LGU ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya. Bahagi nito ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga public school teachers ng bayan. Photo from Sierra Madre FB Page
BAYOMBONG, Nueva vizcaya (PIA) - - Tumanggap ng tulong pinansiyal kamakailan ang mga public school teachers sa bayan ng Dupax del Norte mula sa local government unit.
Pinangunahan ni Mayor Timothy Cayton at Vice Mayor Vic Prado ang pamimigay ng P1, 000.00 bawat permanenteng mga guro, P2,000 bawat head teachers at P3,000 bawat supervisor.
Ang tulong pinansiyal ay ipinagkaloob ng MLGU Dupax del Norte sa selebrasyon nito ng World Teacehrs’ Day kamakailan sa bayan kung saan P422,000 ang kabuuang halaga ang naibigay sa mga public school teachers.
Ayon kay Mayor Cayton, ang localized na selebrasyon ng Worl Teachers’ Day sa bayan ay isinagawa bilang pasasalamat at pagkilala ng LGU sa mga sakripisyo ng mga guro sa paghubog sa kaisipan at magandang kaugalian ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan.
Tiniyak pa ni Cayton na may ponding nakalaan sa iba’t-ibang programa ng Department of Education (DepEd) dahil katuwang nito ang LGU sa pagbibigay ng tamang edukasyon sa mga kabataan ng bayan.
“Walang magagaling na opisyal ng ating bayan kung hindi dahil sa inyong pagtuturo kaya’t kayo ay nagsisilbing pundasyon ng lahat ng mga propesyunal sa ating bayan,” pahayag ni Cayton. (BME/PIA NVizcaya)