No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Local red tide warning, itinaas sa Sorsogon Bay

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA) - Pinapayuhan ang publiko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bikol na umiwas muna sa shellfish na mula sa Sorsogon Bay kasunod ng pagpositibo ng samples sa Paralytic Shellfish Toxin (PST) o red tide poison.

Ipinasa na ang naturang samples sa central office ng BFAR upang makumpirma ang findings  ng BFAR regional office at ayaw ng huli na makipagsapalaran ang publiko kaya habang hinihintay ang confirmatory result ng pagsusuri idinaklara na ang Local Red Tide Warning nitong ika-6 ng Oktubre. 

Nag-abiso ang BFAR regional office sa publiko na habang hinihintay ang resulta mula sa BFAR Central Office, iwasan na muna ang pagkuha, pagbenta, pagbili at pagkain sa lahat ng uri ng shellfish na magmumula sa katubigan ng Sorsogon Bay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Inaasahan na sa mga susunod na araw ay lalabas na ang resulta ng mga ipinadalang sample at kung positibo sa PST, mismong BFAR na ang magdedeklara ng red tide sa Sorsogon Bay.

Nilinaw din ng BFAR regional office na ang mga isda, pusit, hipon at alimasag sa naturang karagatan ay ligtas pa ring kainin basta ang mga ito ay lilinisan at lulutuin ng mabuti.


LOCAL RED TIDE WARNING

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch