No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

200 senior citizens sa Looc, benepisyaryo ng medical mission ng PCCI International

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Aabot sa halos 200 na senior citizens sa bayan ng Looc, Romblon ang naging benepisyaryo sa isinagawang medical mission kamakailan ng Philippine Community Center Inc. (PCCI) International.

Katuwang ng Non-Government Organization na ito ang Don Modesto Memorial Hospital, Rural Health Unit ng Looc, at Municipal Social Welfare and Development Office.

Maliban sa libreng checkup ay nakatanggap rin ang mga matatanda ng libreng gamot at bitamina.

Kasabay ng medical mission ay binuksan rin sa bayan ng Looc ang Senior Citizen's Library.

Ayon kay Jimwel Soriano, Public Information Officer ng bayan, bagama't tinawag itong Senior Citizen's Library ay magiging bukas pa rin ito sa publiko na gusto maghanap ng mga magagamit at mababasa na libro.

Dumalo sa programa ang mga matataas na opsiyal ng Pamahalaang Panlalawigan at ang Lokal na Pamahalaan. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch