AlLAMINOS CITY, Pangasinan (PIA) – Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) - Pangasinan First District Engineering Office ang konstruksiyon ng dalawang proyektong tutulong sa pangontra ng baha o flood mitigation projects.
Ayon kay District Engineer Marieta B. Mendoza, ang proyekto ay matatagpuan sa Barangay Pogo, sa tabi ng Alaminos River na may habang 424 linear meter. Ito ngayon ang namamahala sa daloy ng tubig baha at nagbabantay sa komunidad laban sa pinsala ng baha.
Ang isa naman ay matatagpuan sa Barangay Poblacion na may habang 392 linear meters at ngayon ay pinangangalagaan ang mga kalapit na lugar na tirahan at mga lupang pang-agrikultura.
Kasama sa proyekto ang pile driving ng sheet steel piles at konstruksyion ng slope protection na inaasahang tutulong upang maiiwasan ang pinsala sa pisikal na imprastraktura at patuloy na uunlad ang mga aktibidad sa lipunan at ekonomiya sa mga komunidad.
Ang dalawang proyekto ay nagkakahalaga ng Php 133,556,000 na pinondohan mula sa General Appropriations Act (GAA) ng 2022. (JCR/JPD/RPM, PIA Pangasinan)