No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BFAR Batanes namahagi ng mahigit 24,000 tilapia fingerlings

BASCO, Batanes (PIA) -- Namahagi kamakailan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources -Batanes (BFAR Batanes) ng 24,000 tilapia fingerlings sa 14 mangingisda sa lalawigang ito.

Ang mga tilapia fingerling ay nagmula pa sa regioanal office ng BFAR sa Tuguegarao City at naihatid sa tulong ng SkyPasada sa pakikipagugnayan ni Provincial Fishery Officer Ritchie Rivera.

Ayon kay Rivera, hangad niya na ang mga ito ay makatulong sa mga mamamayan ng probinsiya at sa mga mangingisda lalo na sa panahong maalon ang dagat at masama ang panahon.

Ayon pa sa kaniya, marahil sa susunod na taon ay hindi na nila kailangang kumuha pa ng mga fingerling sa ibang lugar dahil magkakaroon na ng sariling hatchery ang probinsiya.

Samantala, sa mga nagnanais naman na mabigyan ng alokasyon ng mga tilapia fingerlings, kinakailangan lang na registered fisherfolk ng probinsiya at may fishpond na pwedeng gamitin. (MDCT/CEB/PIA Batanes/Photos by PFO Ritchie Rivera)

Inabot mismo ni BFAR Batanes PFO Ritchie Rivera ang tilapia fingerlings sa isang fisherfolk sa Basco

About the Author

Christine Barbosa

Job Order

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch