No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kampanya laban sa Tuberculosis, pinalakas sa Quezon

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon- Inihayag ni Irene Santiago, Infectious Diseases Unit Head ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) na pinalakas na ang kampanya upang makontrol ang pagkalat ng sakit na Tuberculosis  o TB  sa tulong din ng mga Municipal Health Officers at Barangay Health Workers.

Ayon sa panayam sa idinaos na "Mamayan at Kultura with PIA" sa DWLC - Radyo Pilipinas Lucena noong Oktubre 11 kay Santiago, nakatutok ngayon ang Quezon Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa pagkontrol ng sakit na tuberculosis o TB sa lalawigan.

Ilan sa mga programang binanggit ni Santiago sa ilalim ng  pinalakas na kampanya kontra  TB  ay ang ‘Usaping Dibdiban’, ‘Ayos Ka Lungs’ at paglalagay ng Directly Observed Therapy Short Course (DOTS) facilities sa lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan.

“Muli pong  binuksan ni Quezon Governor Helen Tan ang Provincial Chest Clinic na matatagpuan sa Quezon Medical Center sa Lungsod ng Lucena upang mas lalong matugunan ang libreng gamutan sa sakit na TB,” sabi pa ni Santiago

Samantala, may limang (5) lugar o bayan sa Quezon ang may naitalang may mataas na kaso  TB  at ito ay ang lungsod ng Lucena, lungsod ng Tayabas at ang mga bayan ng Candelaria, Tiaong at Lopez, Quezon. (RMO/PIA-Quezon)

                                                                                                                                              

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch