No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

RSU magiging 'smart campus'; mga estudyante at guro tatanggap ng laptop

President Merian P. Catajay-Mani nang makapanayam ng mga mamahayag nitong ika-25 ng Oktubre. (Larawan mula sa Larawan mula sa RSU Media & Public Affairs Office)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Nakatakda nang maging Smart Campus ang nag-iisang state university sa lalawigan - Romblon STATE State University, matapos maaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang kanilang smart campus proposal at mapondohan ng P750-million.

Ang Smart Campus Development Program ng CHED ay naglalayong mas pagandahin ang information at communication technology sa mga state universities at colleges.

"Ito ay pangarap ng lahat dahil sa ngayon ang trend ay 'digitization'. Kapag sinabi nating ganito, lahat ng operation dapat ay digitize, paperless dapat tayo. Pero ang hirap-hirap para sa isang Level 2 [University]," sinabi ni President Merian P. Catajay-Mani nang makapanayam ng mga mamahayag nitong ika-25 ng Oktubre.

Ito umano ang naging dahilan para gumawa ng proposal ang University "to completely change RSU to become a Smart Campus".

"This means, every student should have a laptop, every faculty should have a laptop," pahayag ni Dr. Mani.

Kamakailan ay nakapaghatid na ng mahigit 1,400 na laptop sa University kung saan 1,100 rito ay ipapagamit sa estudyante at 300 naman ay ipapagamit sa faculty. Ang mga laptop na ito ay may built-in Intel Core i3 at Intel Core i7 processors at mataas na memory para masigurong makakaya ang softwares na kailangan ng mga estudyante at guro.

Unang batch pa lamang umano itong dumating na mga laptop, dahil target ng pamunuan ng RSU na mabigyan ang lahat ng estudyante ng pamantasan.

Bahagi rin ng Smart Campus Development Program ang pagkakaroon ng libreng wifi sa loob ng campus, learning management system, softwares na magagamit sa pamamahala ng pamantasan, at data center na hahawak sa lahat ng ito.

Sinabi ni Dr. Mani na kapag nagagamit na ang lahat ng ito, magiging model university ang Romblon State University sa buong Mimaropa.

"Kaya po ang ganda. Magiging modern po talaga ang RSU. One of the best universities in Mimaropa or even in the whole country because of this," pahayag ni Dr. Mani.

"This Smart Campus project is really an opportunity and privilege because this is not [for] all SUCs, and we are one of the five SUCs [turning to Smart Campus]. Ang maganda rito, out of the five, RSU is the most advance in terms of implementation," pagmamalaki ng pangulo ng pamantasan. (PJF/PIA MIMAROPA)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch