No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

San Jose at Concepcion, tumanggap ng food packs mula sa DSWD

Ang mga ibinigay ng DSWD ay magagamit ng lokal na pamahalaan kung sakaling may mangyaring sakuna sa lugar katulad ng bagyo. (Larawan mula sa DSWD Romblon)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Dumating kamakailan sa bayan ng San Jose at Concepcion sa Romblon ang mga food packs na ipinadala sa kanila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Romblon SWAD Team Leader Abegail Fetilo, ang Concepcion ay nakatanggap ng 500 na food packs at 200 na non-food items. Pareho ring bilang ang inihatid sa bayan ng San Jose kung saan nadagdagan ng 900 na food items para sa 'food for work' program ng ahensya.

Ang mga ibinigay ng DSWD ay magagamit ng lokal na pamahalaan kung sakaling may mangyaring sakuna sa lugar katulad ng bagyo.

Nauna ng sinabi ng DSWD na ito ay tugon sa direktiba ni DSWD Secretary Erwin T. Tulfo bilang paghahanda sa mga lugar na napapailalim sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) na madalas naaapektuhan ng sakuna.

Nauna nang nakatanggap ng mga food packs ang mga bayan ng Banton at Corcuera noong October 19. (PJF/PIA MIMAROPA)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch