Tagalog translation:
Cebu-Baguio-Cebu flights, magsisimula sa Dec. 16
BAGUIO CITY (PIA) -- Magsisimula na sa Disyembre 16, 2022 ang alok ng Philippine Airlines (PAL) na direct flights sa pagitan ng Cebu at Baguio City.
Sa inilabas na advisory ng PAL, ang Cebu-Baguio-Cebu flights ay apat na beses ang operasyon sa bawat linggo:
· PR 2230 Cebu-Baguio - every Monday, Wednesday, Friday and Sunday
- departing Mactan Cebu at 08:50 AM, arriving at Baguio Loakan Airport at 10:50 AM
· PR 2231 Baguio-Cebu - every Monday, Wednesday, Friday and Sunday
- departing at Baguio at 11:10 AM, arriving in Cebu at 01:00 PM
Ayon sa PAL, sa pamamagitan ng bagong rota ay mas matiwasay ang biyahe sa pagitan ng dalawang lugar.
"This new route will allow hassle-free travel to the City of Pines from the Queen City of the South, and vice versa, in just two hours," saad ng PAL sa isang pahayag.
Hinihikayat ang mga bibiyahe na bisitahin ang website ng arrival point para sa pinakahuling travel requirements at iba pang mahahalagang impormasyon. Maaari ring bisitahin ang PAL website sa www.philippineairlines.com.
Una nang inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na pinabibilisan ang rehabilitasyon ng Loakan Airport para sa reopening ng commercial flights sa darating na pasko. Nagsagawa na rin ng serye ng safety and security assessments ang PAL Express at Civil Aviation Authority of the Philippines sa Loakan Airport upang matiyak na ligtas ang pagbabalik ng operasyon nito.
Matatandaang tumigil ang operasyon ng Loakan Airport kasunod ng mga isyu kaugnay sa seguridad sa flights habang nanatili ang paggamit dito ng military at chartered flights. Ang eropuerto ang tanging ginamit sa pagpaparating ng mga pagkain at iba pang suplay sa Baguio City nang tumama ang July 16, 1990 killer earthquake. (JDP/DEG-PIA CAR)