BAGUIO CITY (PIA) -- Mariing kinondena ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CRDRRMC) ang pag-atake ng New People's Army(communist terrorist group) sa mga sundalong tutulong sana sa ibang tropa ng pamahalaan sa Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations sa Licuan-Baay, Abra kasunod ng pagtama ng magnitude 6.4 na lindol noong Oktubre 25.
Umaga nitong Oktubre 27, tinambangan ng CTG ang tropa ng pamahalaan sa Barangay Gacab, Malibcong kung saan nasawi ang dalawang sundalo habang nawawala ang isa pa.
Ayon sa CRDRRMC, ang pag-atake ng NPA laban sa mga sundalong magsasagawa lamang sana ng humanitarian assistance and disaster response duties ay nagpapakita ng pagsasawalang-bahala ng makakaliwang grupo sa ikabubuti ng mga Pilipino.

"This armed attack by the NPA against our soldiers in the exercices of their humanitarian assistance and disaster response duties exposes their blatant disregard of the welfare of the Filipino people they claim to fight for," ani CRDRRMC sa inilabas nilang pahayag.
Ipinarating naman ng konseho ang pakikipagdalamhati sa pamilya ng mga nasawing sundalo.
Napag-alamang pinatawag ng Battalion headquarters ang apat na sundalo upang tumulong sa disaster response operations.
Kinondena rin ni 24th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Ricardo Garcia III ang nasabing karahasan.
"We condemn in the strongest terms possible, the barbaric act of the Communist Terrorist Group. We assure our people particularly the families of our soldiers that we will pursue the perpetrators and bring them to justice," ani Garcia.
Sa ngayon ay patuloy ang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga responsable sa naturang pananambang. (JDP/DEG-PIA CAR)