No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

1,650 Novo Vizcayano farmers, nagtapos ng School-On-Air ng DA

Nagtapos ng School - On - Air (SOA) Program ng DA ang 1,650 na mga rice farmers sa Nueva Vizcaya. Inaasahan ang pagtaas ng kanilang produksiyon dahil sa naibahaging kaalaman at teknolohiya habang hinaharap ang Climate Change. PIA Photo

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Pormal na binigyan ng diploma ng Department of Agriculture (DA) ngayong araw ang 1,650 na rice farmers sa lalawigan bilang graduates sa School – On – Air  (SOA) Program ng ahensiya.


Ang mga SOA graduates na rice farmers sa lalawigan ay nagtapos ng pag-aaral sa iba’t-ibang teknolohiya at kaalaman hinggil sa makabagong gabay ng agrikultura ng DA sa pamamagitan ng pakikinig sa DWRV radio Station at pumasa sa mga pagsasanay nito.


“Layunin ng SOA na mabigyan kayo ng karagdagang kaalaman at teknolohiya upang maitaas ang inyong produksiyon habang hinharap ang epekto ng Climate Change,” pahayag ni DA Regional Director Narciso Edillo.


Pinangunahan nina Edillo, Governor Carlos Padilla at mga ibang opisyal mula sa mga katuwang na ahensiya ang pamimigay ng mga diploma sa mga SOA graduates sa provincial capitol sa bayang ito.


Katuwang ng DA sa pagpapatupad ng SOA Program ang PhilRice, Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), Agricultural Training Institute (ATI) Department of Science and Technology (DOST) - PAGASA, PLGU Nueva Vizcaya at mga MLGUs nito.


Ayon pa kay Edillo, isusunod nilang ituturo sa SOA ang mga magsasaka ng gulay sa lalawigan upang maturuan at magabayan din sila ng mga makabagong pamamaraan   at teknolohiya sa agrikultura. (BME/ PIA NVizcaya)


About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch