No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Huwarang Pamilyang Batangueno 2022, binigyang pagkilala sa Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mag-anak nina Ginoo at Ginang Mansueto Camilan bilang Huwarang Pamilyang Batangueno 2022 sa Regina Mandanas Memorial Dreamzone, Capitol Compound sa lungsod na ito noong ika-3 ng Oktubre.

Ang parangal ay bahagi ng National Search para sa Natatanging Pamilyang Pilipino na may hangaring maisalarawan ang isang matatag, maginhawa at panatag na pamilyang Pilipino. Inilunsad ito ng National Council for the Filipino Family (NCFF) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IVA.

Pinangunahan ni Governor Hermilando Mandanas ang parangal katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas at sinaksihan ng mga department heads at kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Kaugnay nito, isinagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office ang screening para sa nominadong pamilyang Batangueno mula sa iba’t-ibang munisipalidad ng lalawigan.

Ang pamilya Camilan ay siyang kakatawan sa buong rehiyon para sa regional search  matapos ang kanilang pagkahirang sa provincial level.

Samantala, tumanggap ng consolation prizes ang iba pang pamilyang nakibahagi sa patimpalak kabilang ang mag-anak nina G. and Gng. Nicolas Maligo Jr. ng Mataasnakahoy; G. at Gng. Rogelio Talag mula sa Bauan at G. at Gng. Romeo Maligaya  mula sa Lungsod ng Batangas.

Kabilang naman sa mga naging hurado sina Gng. Christine Buno mula sa DSWD-Provincial Operating Office; Gng. Elnora Manalo, Presidente ng Catholic Womens League (CWL) at Gng Thelma Panganiban  na miyembro din ng CWL. (MDC/PIA-Batangas may ulat mula sa PIO Batangas City)


.






About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch