No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BJMP, hinikayat ang publikong tumangkilik ng mga produktong gawa ng PDL

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA)- Hinikayat ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Quezon Public Information Officer Joefrie Barbacena Anglo ang publiko na tangkilikin ang gawang produkto ng Persons Deprived with Liberty (PDLs) na mabibili simula Oktubre 28 hanggang Disyembre 16 sa SM City Lucena.

Sa programang “Mamayan at Kultura with PIA” sa DWLC- Radyo Pilipinas- Lucena noong Oktubre 28, sinabi ni  Jail Officer Anglo na gawa ng mga PDLs mula sa ilang BJMP correctional at detention facilities sa CALABARZON ang mga produkto  kagaya  ng bags, paintings, Christmas lanterns at iba pang decorative items ang maaaring mabili dito.

"Ating tinutulungan ang mga PDLs na magkaroon ng mapapagkakitaan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng iba’t-ibang uri ng livelihood training," dagdag pa ni Anglo.

Sinabi pa din niya na ibinibigay ng BJMP sa PDLs ang mga serbisyo na maaaring makatulong sa kanila habang nasa loob sila ng piitan tulad ng edukasyon, iba’t-ibang uri ng pagsasanay, health services, recreational activities at values and spiritual formation.

Ang nasabing aktibidad ay idinadaos kaugnay sa  pinagdiriwangng ng National Correctional Consciousness Week.(Ruel Orinday-PIA Quezon)


About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch