No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Lungsod ng Calapan, hinirang na Local Champion for Marine Litter Action ng UN-Habitat

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Hinirang na Local Champion for Marine Litter Action ng United Nations Habitat (UN-Habitat) ang Lungsod ng Calapan noong Oktubre 28 dahil sa ipinamalas nitong husay at dedikasyon sa paghulma ng City Plan of Action on Marine Litter bilang suporta sa lokalisasyon ng Philippines’ National Plan of Action on Marine Litter.

Tampok sa naging patimpalak ang mga isinasagawang programa at proyekto hinggil sa pangangalaga ng kalikasan partikular ang pagbawas o pag-alis ng mga kalat sa mga karagatan at iba pang mga anyong tubig na nakaangkla sa planong zero waste to Philippine waters 2040 ng mga lider mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa bansa.

Nagsagawa ng ilang serye ng pagbisita sa mga lungsod ng Calapan, Ormoc, at Legazpi ang UN-Habitat kasama ang Japan-funded Healthy Oceans and Clean Cities Initiative (HOCCI) noong Agosto upang alamin at inspeksyunin ang mga inilalapat na programa ng mga lungsod na sumusuporta sa National Plan of Action on Marine Litter (NPOA-ML).

Bilang pagpapatunay ng suporta, ipinamalas ng mga LGU ang kanilang City Plans of Action on Marine Litter (CPOA-MLs) na kumakatawan sa mga program at planong hinulma ng kani-kanilang LGUs na nagbibigay konsiderasyon sa tamang pagtatapon ng mga basura; pangangalaga sa kalikasan, at wastong paggamit ng likas na yaman.

Base sa inilahad na plano, pinagtuunan ng pansin ng Lungsod ng Calapan ang pagsasaayos ng estado at kabuhayan ng mga vulnerable groups sa lungsod partikular ang mga nangongolekta ng mga basura at kababaihan.

Tinanggap naman ni Calapan Mayor Marilou Morillo ang plake ng pagkilala bilang kampeon ng naturang parangal. (JJGS/PIA MIMAROPA)


Larawan sa itaas na bahagi mula Mayor Malou Morillo FB page.

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch