No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DPWH Batanes tuloy pa rin ang clearing operation sa rockslide sa Uyugan

BASCO, Batanes (PIA) - - Tuloy-tuloy ang ginagawa ng  Department of Public Works and Highways- Batanes na clearing operations sa  nangyaring rockslide sa Muchung, Uyugan kahapon pasado alas-kuwatro ng hapon dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.

Agad nagpadala ang DPWH Batanes ng mga clearing personnel at heavy equipment para sa agarang pag-aayos ng kalsada na pansamantala munang sinara sa mga motorista.

Bagamat patuloy pa rin ang ginagawang clearing operations ng DPWH kaninang pasado alas-sais ng umaga ay half-passable na ang daanan. Ito ay  ayon kay Jovelienne Cobaria ng DPWH  Batanes.

Samantala, sa pinakahuling update na binigay ng DPWH ngayong alas-nwebe ng umaga ay near to completion na ang isinasagawang clearing operation.

Ito ang kuha pasado alas-kuwatro kahapon sa Muchung, Uyugan (Litrato nji Edmund de los Santos)

About the Author

Christine Barbosa

Job Order

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch