No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Infanta kampeyon sa panlalawigang Parol Making Contest

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA)- Tinanghal na kampeyon ang bayan ng Infanta sa katatapos lamang na Provincewide Parol-Making Contest: Isang Bituin, Isang Mithiin ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office.

Ayon sa Quezon Provincial Tourism Office, ang patimpalak ay kaugnay ng inilunsad ng Office of the President katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG) na Nationwide Parol-Making Contest na naglalayong itampok ang kultura at pagiging malikhain ng mga pinoy.

Ang entry o  waging parol ng bayan ng Infanta na tumanggap ng premyong P 30,000 ang magiging official entry ng lalawigan ng Quezon sa National Level ng Parol-Making Contest na opisyal na nagsimula noong  Nobyembre 4 sa Malakanyang.

Samantala, ang mga magwawagi naman dito ay makakapag-uwi ng P 100,000 na premyo para sa 1st place, P 75,000 sa 2nd place at P 50,000 naman para sa 3rd place. Makakatanggap din ang lahat ng mananalo ng laptop.

Samantala, hinirang naman na finalist sa provincial  level ng patimpalak at tumanggap ng P10,000 ang  mga bayan  ng Buenavista, Lucban, Tiaong, Lopez at Quezon, Quezon. (RMO/PIA Quezon)


About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch