No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

World Toilet Day ipinagdiwang sa bayan sa Sorsogon na kilala sa 'zero open toilet'

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)--Ipinagdiwang ang World Toilet Day sa Pilar--ang bayan sa Sorsogon na walang dumudumi sa labas ng kubeta--nitong Biyernes, ika-11 ng Nobyembre.

Ayon Kay Engr. Rolando I. Santiago, sanitation and hygiene program officer sa central office ng Department of Health, ang World Toilet Day ay isang pandaigdigang selebrasyon upang gunitain ang problema o gumawa ng aksyon sa problema ng sanitasyong pandaigdigan.

Aniya isinagawa ang selebrasyon sa bayan ng Pilar dahil ang bayang ito ang isa sa may mataas na antas ng household with basic sanitation facilities. Ibig sabihin aniya ang mga tao dito ay wala ng dumudumi kung saan-saan.

Layunin din ng aktibidad na mas maitaas ang antas ng kaalaman ng mga mamamayan sa pagamit at kahalagahan ng tamang sanitasyon upang maiwasan ang anumang sakit dulot ng maruming kapaligiran at sa pagkakaroon ng walang maayos na kubeta.

Ikinagalak ni Mayor Carolyn Sweet Sy-Reyes na napili ang Pilar na maging venue para sa selebrasyong ng World Toilet Day. Isang karangalan aniya na makilala ang Pilar na tumutugon sa sanitation program ng Department of Health. (PIA5/Sorsogon) 

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch