No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

CDC, Trainovate, nagsagawa ng pagsasanay sa food safety

Pinangasiwaan ng Clark Development Corporation, katuwang ng Trainovate, ang isang pagsasanay sa food safety na nilakuhan ng mga kinatawan mula sa 22 kumpanya sa loob at paligid ng Clark. (CDC-CD)

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) -- May 22 kumpanya sa loob at paligid ng Clark Freeport ang sumailalim sa food safety training na inorganisa ng Clark Development Corporation o CDC, katuwang ang Trainovate.
 
Ayon kay CDC Health and Sanitation Division Manager Dr. Clemencita Dobles, layunin ng pagsasanay na ito na mapahusay at mapataas ang antas ng kasanayan at kakayahan ng mga kalahok sa pagsusulong ng kultura ng food safety sa mga otel, restawran, at iba pang establisyimentong nag-aalok ng pagkain.
 
Kabilang sa mga tinalakay sa nasabing pagsasanay ang mga napapanahong impormasyon at praktikal na gabay patungkol sa Basic Food Safety for Food Handlers, Hazard Analysis and Critical Control Points o HACCP Principle and Practice, at Food Safety Compliance Officer training.
 
Kabilang sa mga lumahok sa nasabing pagsasanay ang mga kalahok mula sa mga kumpanya sa loob ng Clark gaya ng Royce Hotel, Meat Plus Clark, On Hotel, Songane, Here Café, HBH Int'l Corp., Witch Café, Lojas Hotel, The Mansion, Sucere Foods, Fontana , Hilton Clark, St. Philip Restaurant, Sum Nara, M-Stay Hotel, Food Star Resto Inc., Quest Plus, Midori Hotel at Senyang Mug.
 
Samantala, lumahok din ang mga kumpanya sa labas ng Clark kabialang ang Pampanga Premiere Medical Center, Tarlac Provincial Hospital, 3Virginia, at Kaya Resto. (CLJD/MJSC-PIA 3)

About the Author

Marie Joy Carbungco

Editor

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch