IBA, Zambales (PIA) -- May 1,179 daycare pupils sa bayan ng San Marcelino sa Zambales ang benepisyaryo ng 60-day supplemental feeding program ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Sahra Soria, layunin nito na maiangat ang antas ng nutrisyon ng mga nasa pre-school sa pamamagitan ng masustansyang pagkain.
Personal na tinanggap ng mga daycare worker ang food packs upang ipamahagi sa mga mag-aaral.
Ang bawat food pack ay naglalaman ng bigas, saging, itlog, nutribun, cookies, macaroni shell, gulay, fruit juices, at pancit.
Paglilinaw rin ni Soria, iba-iba ang naging alokasyon ng mga ipinamahaging food pack dahil nakabase ang bilang nito sa isinagawang evaluation ng body mass index ng mga daycare learners.
Nakatakdang ipamahagi ang ikalawang bugso sa susunod na linggo. (CLJD/RGP-PIA 3)
May 1,179 daycare pupils sa bayan ng San Marcelino sa Zambales ang benepisyaryo ng 60-day supplemental feeding program ng Department of Social Welfare and Development. (San Marcelino LGU)