LUNGSOD NG LAOAG (PIA) – Libreng human papillomavirus (HPV) vaccine ang hatid ng Provincial Department of Health Office (PDOHO) ng Ilocos Norte sa mga estudyante at mga magulang sa bayan ng Banna nitong Huwebes.
Nasa 130 na estudyante at 130 na magulang ang nabigyan ng libreng HPV vaccine.
Ang programang ito ay bahagi ng paggunita ng PDOHO ng Cervical Awareness Month.
![](https://pia.gov.ph/uploads/2022/11/a89323b769893a1ed806077aeb49f3c6.jpg)
![](https://pia.gov.ph/uploads/2022/11/f27eb9ebf2b57a06a44c983a73134ba0.jpg)
![](https://pia.gov.ph/uploads/2022/11/01b599ad9dc65e6ffc130cf8d35afa88.jpg)
Ayon kay Dr. Virgilio Mangapit, provincial team leader ng PDOHO, umpisa lang ang Adolescent Immunization Program na ito at umaasa sila na madadagdagan pa ang mga benepisyaryo sa iba’t ibang munisipyo sa probinsya.
“This is a collaboration of the Department of Health (DOH), the local government units, and the Department of Education, and we are confident that we will partner once again to bring more free HPV vaccination in more schools in Ilocos Norte,” sabi ni Mangapit.
Inaasahan naman ni Mayor Mary Chrislyn Abadilla, alkalde ng bayan ng Banna, na madadagdagan pa ang mga libreng bakunahan sa mga iba pang eskwelahan sa kanilang bayan.
“This is a good start. I’m hoping na madagdagan pa kasi we have five high schools here so we’re planning to collaborate with DOH to cover all the children who are going to be beneficiaries of this free vaccination,” aniya.
Nagkaroon din ng lecture tungkol sa mga sanhi at lunas ng HPV para sa mga benepisyaryo ng libreng bakunahan.
Pinangunahan ito ni Dr. Edith Cristobal, obstetrics at gynecologist ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center. (JCR/AMB/EJFG/PIA Ilocos Norte)
![](https://pia.gov.ph/uploads/2022/11/bc2adf1289d6ab9e8d3de25c41df145a.jpg)
![](https://pia.gov.ph/uploads/2022/11/c7b4921057a91380c997b4668ec2e93b.jpg)