No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOLE project: Angel Tree nagkaloob ng benepisyo sa 30 batang manggagawa sa Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)-- Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children's Month na may temang “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan” dinala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Project Angel Tree sa Cumadcad, Castilla, Sorsogon noong Huwebes, ika-24 ng Nobyembre. 

 Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang bayan ng Castilla, ipinamahagi ng DOLE  sa chid laborers ang school supplies at food packs na inihandog ni Congresswoman Bernadette Escudero, na isa sa mga tinaguriang "angels" ng proyekto.

Ang Project Angel Tree ay advocacy project ng DOLE sa ilalim ng Child Labor Prevention and Elimination Program kung saan nakapaloob ang maaaring ibigay na intervention ng pamahalaan sa mga child laborers.

Ayon kay Mark Francis Llaneta, LEO I/CLPEP focal person ng DOLE sa Sorsogon, pangalawa ang Bicol sa mga rehiyon na may mataas na bilang ng child laborer sa Pilipinas. Kasama din ang Bicol sa mga pinakamahirap na rehiyon sa bansa.

Binigyang-diin ni Llaneta na ang pag-alis sa child labor ay magsisimula sa mga magulang kaya hiling nito na mawala na ang child laborers sa iba't ibang bahagi ng bansa. (PIA 5/Sorsogon)

School supplies and Food packs for profiled child laborers

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch