No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DPWH, PLGU nagsagawa ng public consultation para sa Diadi-Cordon-Ramon Bypass Road Project

Nagsagawa ng isang public consultation ang Nueva Vizcaya provincial government, katuwang ang DPWH at MLGU Diadi hinggil sa isasagawang Diadi-Cordon-Ramon Bypass Road Project. Inaasahan itong maiibsan ang trapiko sa kahabaan ng national highway sa oras na matatapos ang nasabing proyekto. Photo from Gov. CMP FB Page

BAYOMBONG, Nueva vizcaya (PIA) - - Nagsagawa ng public consultation kamakailan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan hinggil sa isasagawang Diadi-Cordon-Ramon Bypass project.

Ayon kay Governor Carlos Padilla, ang public consultation ay isinagawa sa barangay Poblacion sa bayan ng Diadi upang maipaliwanag sa mga mamamayan ang isasagawang road project ng national government.

“Hinihiling ko ang inyong kooperasyon at pagkakaisa para sa ikatutuloy ng bypass project na ito. Ang provincial government na aking pinamumunuan ay lubos ang suporta sa proyektong ito,” pahayag ni Padilla.

Ayon sa kanya, dumaan sa proseso ang pagsusulong sa nasabing Bypass Road Project dahil sa  pangangailangan dito lalo na kung may matinding traffic na kahabaan ng national highway na sakop ng bayan ng Diadi.

“Kung matatapos ang proyektong ito, maiibsan ang matinding daloy ng trapiko sa kahabaan ng national highway dahil diretso na ito sa bayan ng Ramon sa Isabela. Makakatulong ito sa ating mga manlalakbay,” dagdag ni Padilla.

Ayon sa gubernador, may nakalaan nang pondo ang DPWH sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P103 million upang maumpisahan ang nasabing proyekto.

Sinabi pa ni Padilla na nauna nang isinumite ng pamahalaang panlalawigan ang nasabing konsepto ng proyekto kasama ang technical study ng nasabing proyekto na inaprubahan ng Regional Development Council (RDC) ng Cagayan Valley kung kaya’t naisagawa na rin ang Feasibility Study nito.

Base sa estimate, hindi bababa sa P2 billion ang halaga ng buong Diadi-Cordon-Ramon Bypass Project. (MDCT/ BME/PIA Nueva Vizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch