No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Lokal na produkto ng 25 CBOs sa Bicol, tampok sa DSWD EPAHP Trade Fair

LEGAZPI CITY, ALBAY (PIA) – Dagdag kita at mas malawak na market linkages ang handog ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Bicol sa 25 community-based organizations matapos maitampok ang kanilang mga produkto sa "Orgulyo sa Lokal na Produkto" Trade Fair.

Ayon kay DSWD Bicol Program Coordinator Alayssa Cabigao, ang mga nasabing CBOs ay benepisyaryo ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na nagpapatupad ng programang Enhanced Partnership Against Hunger & Poverty (EPAHP).

“Sa pamamagitan nitong trade fair, binibigyan natin ng pagkakataon and ating mga CBOs na maibenta at mas mapromote ang kanilang mga produkto. Tampok natin ngayon ang CBOs mula sa iba’t-ibang lalawigan na natulungan ng iba’t-ibang ahensya ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng EPAHP na sa kasalukuyan ay nasa ikatlong taon na,” pahayag ni Cabigao.

Kasama sa mga naitampok sa "Orgulyo sa Lokal na Produkto" Trade Fair ng DSWD Bicol ang mga produktong gawa ng persons deprived of liberty na kanilang pinagkukunan ng dagdag kita upang maitulong sa kanilang mga pamilya bagaman't nasa loob sila ng piitan.

Tampok din sa nasabing trade fair ang gawang produkto ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL)sa pamamagitan ng livelihood programs ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay Ayon kay JSINSP Remedios N Remedios, Regional Welfare and Development Division Chief, bagaman't nasa loob ng piitan ay nabibigyan ang mga PDLs ng pagkakataon na makatulong pa rin sa kanilang pamilya at malinang ang kanilang mga kakayahan.

Ang EPAHP ay convergence program ng pamahalaan na layuning mabawasan ang  kagutuman, masiguro ang food at nutrition security at maibsan ang kahirapan sa mga urban at rural na komunidad. (PIA5/Albay)


About the Author

Sally Altea

Writer

Region 5

"He provides. Everything is in His hands."

Information Center Manager of the Philippine Information Agency - Albay

 

Feedback / Comment

Get in touch