No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PNP Nueva Vizcaya, tumanggap ng bagong kagamitan

Nagbigay ng mga bagong baril, bala at Patrol Car kahapon ang Police Regional Office, Tuguegarao City kay Nueva Vizcaya Police Director Kamlon Nasdoman. Ang mga bagong kagamitan ay ibibigay sa bayan ng Bambang base sa hiling ni Mayor Benjamin Cuaresma III. Photo from PNP PRO2 FB Page

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - -  Tinanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Provincial Director Camlon Nasdoman ang mga bagong kagamitan ng kapulisan mula kay Police Regional Director Police Brigadier General Steve Ludan sa Tuguegarao City.

Ang pagbibigay ng mga bagong kagamitan gaya ng Patrol Car, M-4 Assault Rifles, pistols at accessories ay bahagi ng Flag Raising at Awarding Program ng Police Regional Office (PRO-2) sa Cagayan.

Ayon kay Ludan, ang mga bagong kagamitan ay ibibigay sa kapulisan sa bayan ng Bambang  bilang sagot sa naunang hiling  ni Mayor Benjamin ‘Jamie’ Cuaresma III.

Ayon pa sa kanya, malaki ang tulong ng mga bagong kagamitan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa bayan ng Bambang.

Dagdag ni Ludan na dagdag tulong ito upang mapalakas ang mobility at fire power capability ng kapulisan sa Bambang, Nueva Vizcaya. (MDCT/BME/PIA Nueva Vizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch