No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

VAWC, GAD at laban kontra droga, tinalakay ng RFU Mimaropa

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Bilang pakikiisa sa obserbasyon ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women simula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12, isinagawa ng Regional Forensic Unit (RFU) Mimaropa ang seminar tungkol sa Violence Against Women and Children (VAWC), Gender and Development (GAD) at Battle Against Drugs (BAD) sa mga magulang at guro ng Malinao Elementary School sa Naujan kamakailan.

Nasa 78 ang dumalo sa nasabing aktibidad na kung saan tinalakay ni Patrolwoman Erla Mae Eugenio ang tungkol sa GAD para sa mga babaeng magulang at guro ng nasabing paaralan at kanyang ipinunto ang mga karapatan ng kababaihan gayundin ang Bawal Bastos Law, habang si PCpl. John Paul Bencito ang nagpaliwanag ng tungkol sa mga ipinagbabawal na gamot at mga batas na sumasakop dito, ang Republic Act No. 9165.

Samantala, tinalakay naman ni PLt. Melmar Dumaya ang ilang mga puntos tungkol sa batas laban sa karahasan dahil sa mga imbestigasyon aniya na kanilang nireresolba hinggil sa mga kasong panggagahasa at pananakit sa mga kababaihan.

Lubos ang pasasalamat ng punong guro ng paaralan na si Ronald Maganda kay Regional Chief, PCol. Filemon Pociuncula ng RFU Mimaropa sa pagbibigay ng mga impormasyon ng kanyang mga tauhan sa mga magulang at guro tungkol sa kanilang karapatan at kaalaman sa mga batas na sumasaklaw sa pang-aabuso lalo na sa hanay ng mga kababaihan. (DN/PIA MIMAROPA)


Topmost photo: Regional Forensic Unit Mimaropa

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch