LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Matagumpay na isinagawa ng Batangas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang proyektong “Batang Maka Kalikasan 2022” na ginanap sa Brgy. Paharag East Covered Court noong ika-24 ng Nobyebre.
Kaugnay nito, nakakalap ng mahigit P700K na pondo ang nalikom sa naturang fund raising activity para sa mga Child Development Centers (CDC) na nagpadamihan ng malilikom at maibebentang recyclable wastes. Ang halagang nalikom ay gagamitin para sa mga proyekto ng mga CDC’s.
Nahirang bilang Batang Makakalikasan 2022 sina Kian James Victor Alay at MJ Loriz Sam Buenaventura ng San Jose Sico CDC.
Habang nanalo naman ng ikalawang pwesto ang kinatawan ng Bilogo CDC, ikatlong pwesto ang Cuta CDC at ikaapat na pwesto naman ang Soro-Soro Ibaba CDC.
Samantala, nagkaroon din ng tagisan ng Little Mr and Ms Zero Waste Management 2022, kung saan nahirang na Most Indigenous Pair sina Jhea Elizebelle Medrano at Prince Nico Arellano ng Talumpok West CDC; Most Elegant Pair sina Ghod Xyrone Escalon at Athena Faytaren ng Gulod Labac CDC; Most Simple Pair sina Elijah Hendrix Aroyo at Andrea Cassandra Camposano; Most Charming Pair sina Mcveigh Keian Osorio at Flynn Amadeus Cometa ng Mahabang Parang CDC at Best in Local Costume ang Bolbok CDC sa kasuotang Aeta.
Ang naturang mga kompetisyon ay bilang pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong Nobyembre na may temang “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan”.
Kaugnay pa din ng nasabing selebrasyon, nagwagi ng titulong Little Mr. & Ms. United Nations sina Amira Jen Tismo at Gian Lendl Gamara ng Cuta CDC (Nicaragua).
Tampok sa nabanggit na patimpalak ang mga bata suot ang national costumes ng iba’t ibang bansa.
Nagwagi din ng ang mga kinatawan ng Barangay 1 (Turkey) na sina Princess Laryn Laila at Janden Matt Arceo, Talumpok East CDC (Costa Rica) na sina Julia Ysabelle Manalo at Prince Matthew Candor at sina Krizzie Llanie Duno at Maverick Alvarez ng Soro-Soro Ilaya CDC (Brunei). (MDC/PIA Batangas may ulat mula sa PIO Batangas City)