No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PSA naitala ang 8,000 na aplikasyon sa libreng delayed birth registration sa Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)--Aabot sa 8,000 Sorsoganon ang nag-aplay sa delayed birth registration upang makatanggap ng libreng birth certificate sa ilalim ng PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP) ng Philippine Statistics Authority (PSA) Sorsogon.

Ito ang inihayag ni Gemma Red, PSA supervising statistical specialist para sa Sorsogon, nang nakaraang Lunes, ika-28 ng Nobyembre sa programang Ugnayan ng PIA Sorsogon.

Ayon sa datos mula noong 2015 Census of Population and Housing, mahigit 14,000 indibidwal ang hindi rehistrado o walang birth certificate sa Sorsogon.

Ang PBRAP ay may layuning palakasin ang pagpaparehistro sa Philippine Identification System sa pamamagitan ng pagtaas ng paggamit ng birth certificate bilang pangunahing dokumento na ipapakita ng mga naghahangad na kumuha ng National ID.

Kaugnay nito, nanawagan si Red sa publiko na magpalista at tumungo na sa kanilang tanggapan dahil ang programang ito ay hanggang Disyembre 31, 2022 na lamang. (PIA 5/Sorsogon)

Unayan ng PIA Sorsogon radio program with guest Ms. Gemma Red Supervising Statistical Specialist and with Mr. Ian Louie Barbin PhilSys Provincial Focal Person

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch