DAVAO CITY (PIA) – Inaasahan ang pagtatatag ng Mount Apo Wildlife Rescue and Conservation Center na pangungunahan ng Mindanao Development Authority.
Ito ay matapos napagsama sama ng Minda ang mga stakeholders, development partners, local government units at kinatawan ng mga komunidad sa palibot ng Mt. Apo area galing sa Regions 11 and 12, na kamakailan lang ay nagpahiwatig ng suporta sa mga pagsisikap na mailigtas at maingatan ang natitirang populasyon ng wildlife at ang minumungkahing Mount Apo Wildlife Rescue and Conservation Center.
Ang pangakong suporta ay napaloob sa isang memorandum of agreement na pinirmahan ng grupo sa pangunguna ni MinDA Secretary Maria Belen Acosta.
Ang center ay magtatampok ng mga pasilidad gaya ng animal rescue center, conservation at breeding, education at research, at eco-tourism, at magiging pagmamay-ari ng gobyerno at pamamahalaan ng private partner na katulad ng Philippine Eagle Center.
“This endeavor needs a gathering of minds and resources, and that is exactly what we are trying to achieve with the creation of this technical working group that we are honored to be part of. Environment protection forms part of MINDA’s larger goals of sustainable development for Mindanao,” ayon kay Secretary Acosta.
Bagamat inaasahan ang mga pagsubok na kakaharapin sa pagbuo at pagtatag ng Mount Apo Wildlife Rescue and Conservation Center, naniniwala si Secretary Acosta sa kapasidad ng bumubuo ng technical working group.
“I am aware that there may be challenges, particularly when it comes to conflicting interests in our pursuit of the inclusion of Mt. Apo as UNESCO’s heritage site and global geological park. But I am confident that the composition of this technical working group and the mechanisms that we will put in place will see beyond geographical and political boundaries just like our Mt. Apo,” dagdag niya.
Ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan na napapaloob din sa Mt. Apo area, ay isa sa mga nagbigay ng suporta.
“This event is very instrumental in boosting our capacities to solve distinct problems, particularly besetting Mt. Apo,” saad ni Kidapawan Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.
Ang Mt. Apo ay ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas at sagradong lugar para sa mga original inhabitants. Ito ay nasasakupan ng mga probinsya ng Cotabato, Davao del Sur at Davao City.
Itinatag na protected area sa ilalim ng Natural Park category, at natukoy na isa sa sampung endangered Priority Protected Areas sa bansa. (PIA-XI, Carina L. Cayon/Photos by Loel C. Balangauan)