Nagsagawa ng isang outreach services ang PNP kamakailan sa Aritao, Nueva vizcaya. Dahil dito, nabigyan ng iba't-ibang libreng serbisyo ang mga mamamayan.Larawan mula PNP NVPPO FB Page
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Nagsagawa ng isang Outreach Services ang Philippine National Police (PNP) sa bayan ng Aritao kamakailan bilang bahagi ng kanilang KASIMBAYANAN Program.
Ayon kay Police Provincial Director Camlon Nasdoman kabilang sa kanilang mga inihatid na serbisyo ay ang medical, dental check-up, tooth extraction at treatment, libreng mga gamot, vitamins, tsinelas, gupit and ice cream para sa mga dumalong mamamayan.
Dagdag pa ni Nasdoman na ang nasabing outreach program ay sinuportahan ng Farmacia Solonio, Provincial Integrated Health Office (PIHO), Philippine Dental Association (PDA) – Nueva Vizcaya Chapter, mga volunteer doctors at iba pang mga medical personnel sa lalawigan.
“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa tulong na ibinigay ng aming mga partners sa serbisyong ito. Sana ay ipagpatuloy natin ito upang dumami pa ang matutulungan ng ating tuloy-tuloy na outreach services sa Nueva Vizcaya,” pahayag ni Nasdoman.
Ang KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ay naglalayong itaguyod ang pagsasamahan ng iba’t-ibang sector ng lipunan tungo sa pagpapanatili ng mapayapa at maunlad na komunidad.(OTB/BME/PIA NVizcaya)