LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)--Kaugnay sa pagdiriwang ng National Children's Month ginanap ang "Makabata" open forum on issues concerning children sa Sorsogon Provincial Gymnasium sa lungsod na ito nang nakaraang Martes, November 29.
Pinangunahan ang aktibidad ng Sorsogon Provincial Council for the Protection of Children na naging katuwang ang FACE Incorporated.
Aabot sa 60 mga kabataan na may edad 10 taong gulang hanggang 17 taong gulang ang naging benepisyaryo na nakilahok sa naturang aktibidad.
Ipinaliwanag ni Regina Gonzalgo ng Provincial Health Office ang tungkol sa issues and concerns affecting the mental health and well being of children.
Ibinahagi naman ni Grace Jardin ng Provincial Nutrition Council ang kahalagahan ng tamang nutrition para sa mga kabataan. At ibinahagi rin ni Focal person Dole Sorsogon Mark Francis Llaneta kung ano ang Child Labor Program ng pamahalaan.
Ayon sa social worker na si Grace Rodrigueza layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magkaroon ng mas malawak na kaalaman patungkol sa kanilang mga karapatan.
Ang pamahalaan aniya ay nandiyan upang magpaabot at magbigay ng ibat-ibang programa para sa mga kabataan lalo na sa lubos na nangangailangan.

