No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bayan ng Ferrol, zero-crime rate buong Oktubre

ODIONGAN, Romblon (PIA) - Ipinagmalaki ng Ferrol Municipal Police Station sa ginanap ng press conference kamakailan na nakapagtala sila ng zero-crime incident sa buong buwan ng Oktubre sa buong bayan ng Ferrol.

Sa ulat ni Police Executive Master Sergeant Rhoel Fabello, Deputy Chief of Police ng Ferrol MPS, zero-crime incident pagdating sa physical injury, rape, robbery, theft, murder, homicide, motor napping at carnapping mula October 1 hanggang 28.

Zero rin ang naitala nila pagdating sa mga non-index crime at public safety indicators.

Bagama't zero crime, sinabi ni Fabello na nagpapatuloy ang ginagawa nilang pag-iikot sa iba't ibang sulok ng bayan upang maiwasan ang mga krimen lalo na tuwing gabi.

Mahigpit rin ang kanilang pagpapatupad ng iba't ibang municipal ordinance ng bayan gaya ng pagbabawal sa ilang uri ng iligal na uri ng pangingisda at iba pa. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch