No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bilang ng mga rebelde na sumuko sa PRO-MIMAROPA, umabot na sa 164

Isang former rebel ang naglahad ng kaniyang mga saloobin sa isinagawang Former Rebel Summit kamakailan sa bayan ng Roxas, Oriental Mindoro.

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Ayon sa datos ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA, umabot na sa 164 miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa iba’t-ibang police units ng Mimaropa simula Enero ng kasalukuyang taon hanggang Disyembre 1.

Kabilang sa mga pinakahuling sumuko sa mga hanay ng kapulisan sa rehiyon ay ang dalawang former rebels mula Oriental Mindoro noong Disyembre 1.

Kusang sumuko sina alyas “Ka Gringo” 27 taong gulang at “Ka Jimbo” 33 taong gulang, matapos ang ilang serye ng diskusyon sa pagitan nila ng 403rd B. Maneuver Company (MC) Regional Mobile Force Batallion (RMFB) 4-B, sa pangunguna ni Lt. Sherwin Ramirez sa Barangay Cabalwa, Mansalay.

Kapwa nagmula sa Platoon Serna ng Kilusang Larangang Gerilya-Mark Anthony Velasco sa ilalim ng Lucio de Guzman Command of the Sub-Regional Military Area, Southern Tagalog Regional Party Committee sa bayan ng Bulalacao ang mga sumuko.

Nasa kustodiya naman na ng 403rd B. MC, RMFB ang mga sumuko upang sumailalim sa reintegrasyon sa komunidad sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive and Local Integration Program (E-CLIP).

Ani ni PRO Mimaropa Regional Director Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia, nakatuon ang atensyon ng kanilang hanay sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon; at isa sa nakikita nitong epektibong paraan ay ang mapababa ang bilang ng mga miyembro ng CPP-NPA sa rehiyon hanggang sa tuluyan na itong maging Communist Terrorist Group (CTG)-Free.

Sinabi rin nito na lahat ng mga nagbalik-loob sa pamahalaan ay makatatanggap ng tulong kabuhayan at iba pang assistance mula sa gobyerno sa pamamagitan ng programang E-CLIP. (JJGS/PIA MIMAROPA)


Detalye mula PNA website.

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch