No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagtuturo sa tamang pagtatapon ng basura isinagawa sa AtES

Ipinapakita ng isang mag-aaral kung saan dapat itapon ang basura.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Isinagawa ng Atulayan Elementary School (AtES) ang information education campaign hinggil sa solid waste management na naglalayong turuan ang mga mag-aaral sa tamang pagtatapon ng basura.

Ibinahagi ni Victoria Pattaguan, supervising environmental specialist ng Environment and Management Bureau Region 2, ang mga probisyon ng Republic Act 9512 o ang National Environmental Awareness and Education Act of 2008.

Aniya magandang turuan ang mga mag-aaral habang bata pa sila sa wastong paraan ng paghihiwalay, paghawak at pagtatapon ng mga basura at maging responsable hindi lamang sa paaralan kundi sa kani-kanilang tahanan.

Sa pamamagitan ng role playing ay binigyan ang mga mag-aaral ng sample na basura at itapon ito sa nararapat na color coded trash bins na may label na biogradable, recyclable, health waste, at residual.

Samantala, inilunsad din ang Pinas: Basura Buster (PBB) campaign ng Department of Environment and Natural Resources dala ang kanilang mascot upang lalo pang maintindihan ng mga mag-aaral kung paano pangalagaan ang kapaligiran.

Ang dalawang ahensiya ay nagbahagi ng solid waste management book at poster na ilagay sa kani-kanilang silid aralan upang maging gabay sa waste segregation.

Nagpasalamat naman sa School Head Marcelino Madino sa pamamagitan ni Naneth Calubabaquib sa pagbahagi ng dalawang ahensiya ng gobyerno sa pagtanggap nito sa imbitasyon ng AtES bilang pakikiisa ng paaralan sa pagtuturo ng wastong pangangalaga ng kapaligiran. (OTB/ADS PIA Region 2)

About the Author

Alvin Delos Santos

Writer

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch