PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA)--Pinarangalan ng Sangguniang Kabataan Federation ng Puerto Princesa City ang mga pinakamahuhusay na opisyales ng Sangguniang Kabataan at mga organisasyon ng mga kabataan sa ginanap na 3rd Gawad Kabataang Lingkod Bayan kamakailan. Ayon kay SK Federation President Myka Mabelle Magbanua, ito ay matapos ang isinagawa na masusing ebalwasyon ng Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan, City Department of Interior and Local Government (DILG), Liga ng mga Barangay, City Youth Development Office at City Social Welfare and Development Office sa mga Sangguniang Kabataan at mga organisasyon.
Ayon sa kaniya, nanguna sa natatanging Sangguniang Kabataan ang Bgy. Tagburos, pumangalawa ang Sangguniang Kabataan ng Bgy. Sta. Monica, at pumangatlo ang Sangguniang Kabataan ng Bgy. Tanabag. Natatanging Tagapangulo ng Sangguniang Kabataan naman si Serge II Zulueta ng Bgy. Tagburos habang ang natatanging miyembro ng Sangguniang Kabataan ay si Alfred Gamao ng Bgy. Sta Monica, natatanging Kalihim ng Sangguniang Kabataan ay si Frankie Esta ng Bgy. San Pedro, natatanging Ingat-Yaman ng Sangguniang Kabataan ay si Jay-ar Llarounilla ng Bgy. San Pedro, Huwarang Sangguniang Kabataan 2022 ay ang Bgy. Mangingisda, Masigasig na Sangguniang Kabataan 2022 ang Bgy. Tagburos, Pinakamahusay na Programa, Proyekto at Aktibidad 2022 ay Bgy. San Jose na mayroong Community Learning Hub & Library.
Pinaka-aktibong Sangguniang Kabataan 2022 naman ay ang Bgy. Tagburos, Pinakaaktibong opisyal ng pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan ay si Rosetom Jay Mahusay ng Bgy. Mangingisda, natatanging opisyal ng pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan ay si Erona Jane De Leon ng Bgy. San Manuel. Natatanging Hanay ng mga Sangguniang Kabataan ay ang Northwest Cluster, Pinakamaraming naitalang Kapasiyahan ay si Kent Jardin ng Bgy. San Pedro.
Nabigyang rin aniya parangal ang mga Sangguniang Kabataan na nakakuha ng mga pinakamatataas na puntos sa ebalwasyon kung saan nakakuha ng Gintong Parangal ang may grading 81%-100%, Pilak na Parangal para sa may grading 66%-80% at Tansong Parangal para sa may grading 50%-65%.Kinilala rin ang ilang mga organisation ng mga Kabataan kung saan itinanghal na natatanging Samahan ng mga Kabataan (School-based Category) ang Palawan National School Supreme Student Government Natatanging Samahan ng mga Kabataan (Community-based Category) ang San Pedro Youth Volunteers Natatanging Samahan ng mga Kabataan (Advocacy-based Category) ang International Youth and Students for Peace -Palawan Chapter.
Natatanging Samahan ng mga Kabataan (Youth-serving Category) - Red Cross Youth Palawan Chapter. Binigyan rin ng pagkilala ang Sanguniang Kabataan ng San Jose bilang pangalawa sa pinakamataas sa ebalwasyon gayundin si Ivy Joy Maca ng Bgy. Tagumpay bilang rekognisyon sa kanyang ipinamalas na dedikasyon sa pagpresenta ng kanilang mga nagawa sa kabila ng sitwasyong kanilang kinaharap noong nakaraang taon, at si Velly Vanne Somosierra, bilang pagkilala sa kanyang husay na ipinamalas nang kanyang dalhin ang Lunsod ng Puerto Princesa sa 1st POPDEV Quiz Bee na isinagawa ng Regional Population Commission, kung saan siya ay nanalo.
Dumalo sa aktibidad sina Vice-Mayor Maria Nancy Socrates, mga miyembro ng Sangguniang Panlunsod, City DILG Director Eufracio "Bobb" Forones, Jr., City Youth Development Officer Ralph Richard Asuncion, mga Punong Barangay at marami pang iba. (MCE/PIA MIMAROPA)