LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA) -- Lalong hihigpitan ang security protocols ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Matnog Port lalo na ngayong peak season upang mabigyan ng maayos at ligtas na paglalakbay ang mga pasahero.
Sa panayam ng PIA Sorsogon kay Acting Division Manager, PPA-TMO Achilles Galindes, lahat ng papasok sa pantalan at sasakay sa barko ay dadaan o mag uundergo sa baggage xray screening.
Ang mga security personnel, PPA Pulis Port personnel katuwang ang Philippine Coast Guard na mayroong k9 units ay nakabantay upang masiguro na ligtas at maayos ang pagsakay ng mga pasahero lalo na ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.
Ang K9 units ng Philippine Coast guard kasama ang mga aso ay regular na chinicheck kung may prohibited items kasama na ang bomba, fire arms o maging ang prohibited drugs.
Ang sinumang mahuhuli na may dalang mga prohibited items na walang documentary requirements at iba pang mga kailangang supporting documents, kung walang maipepresenta ay kailangan na maiturn over ng PPA sa PNP for proper disposition.
Binigyang paalala ni Galindes lalo na ang mga uniformed personnel na siguraduhin na dala ang mga kaukulang dokumento.
