No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Parade of Lights sa Sorsogon City, naging makulay

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA) -- Makulay at matagumpay ang isinagawang "PARADE OF LIGHTS" sa Sorsogon City nitong Sabado, Desyembre 17, 2022.

Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng "Christmas in the City: A Gayon Magical Celebration" ng Sorsogon City Government.

Nagsimula ang parada sa Sorsogon City Rompeolas papunta sa Sorsogon Coliseum na ikinamangha at kinagiliwan ng mga manonood.

Nilahukan ito ng iba't-ibang mga Drum and Lyre Corps ng mga pribado at pampublikong paaralan sa Sorsogon City gamit ang kani-kanilang kakaibang nagliliwanag na mga costume na sinabayan ng street exhibition.

Naging tampok sa nasabing parada ang matataas at naglalakihang float na mayroong ibat-ibang mga Christmas decorations gaya ng mga disenyong Disneyland na puno naman ng mga makukulay na ilaw na talagang hinangaan at ikinatuwa ng mga tagapanood.

Kaugnay nito itinanghal na nanalo sa float competition ang Sorsogon State University bilang kampion, 1st Runner-up ang VIP Learning Center at 2nd Runner-up naman ang Bibincahan Elementary School.

Matatandaan na una ng sinimulan ang Christmas in the City: A Gayon Magical Celebration nitong December 1, 2022. (MBAringo, PIA5/Sorsogon)

Photo Credit from Sorsogon City Tourism Office Fb page
Photo Credit from Sorsogon City Tourism Office

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch