No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

700 miyembro ng MOVE, dumalo sa Men's Day

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA)- Mahigit sa 700 miyembro ng Men Opposed to Violence Against Women and Children Everywhere (MOVE) mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan ng Quezon ang dumalo sa “Men’s Day” sa Quezon Convention Center, Lucena City noong Disyembre 9.

Ang aktibidad ay bahagi ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women and  children na pinangunahan ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kampanya laban sa karahasan sa mga kababaihan at maging sa mga kabataan.

Dumalo din sa okasyon si Provincial Administrator Manuel M. Butardo na representante ni Quezon Governor Angelina “Helen” Tan   na nagpahayag ng  suporta na mapahalagahan at mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan at kabataan na nakararanas ng pang-aabuso sa lalawigan.

Tampok din dito ang “ Oath Taking Ceremony” ng mga bagong opisyal ng ng MOVE-Quezon  na pinamumunuan ni G.  Bernie Torno na nahalal bilang bagong Pangulo ng MOVE-Quezon.

Hinimok ni Torno ang mga miyembro ng MOVE sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon na makaipagkaisa sa mga programa ng Provincial Gender and Development Office at ng kanilang samahan gayundin ang mga ahensiya ng pamahalaan na makiisa sa mga programang ipinatutupad  nila ngayon upang mapalakas  pa ang kampanya laban sa karahasan sa mga kababaihan at maging sa mga kabataan.

“Makiisa po tayo at palakasin pa po natin ang kampanya at mga programa  upang  higit  na malabanan natin ang  karahasan sa mga kababaihan,” sabi pa ni Torno

 Nagkaroon din ng diskusyon si Executive Vice President ng MOVE Philippines G. Ricky Bunao samantalang ibinahagi  naman ng kinatawan ng Provincial Legal Office Atty. Angelica Naca ang ukol sa mahalagang probisyon ng R.A 9262 o VAWC Law at tinalakay naman ni  Loudres Almadrones ng Integrated Provincial Health Office  ang paksang Family Planning and Reproductive Health. (RMO/PIA Quezon)


About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch