No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Joni Villanueva General Hospital, sentro ng APIR ng DOH sa Bulacan

BOCAUE, Bulacan (PIA) -- Itinalaga ng Department of Health o DOH ang Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue bilang sentro ng kampanyang Aksyon Paputok Injury Reduction o APIR sa Bulacan.

Ayon kay DOH Regional Director Corazon Flores, isa itong sentinel hospital ng kagawaran na magsisilbing referral facility at monitoring center sa iba pang mga pampubliko at pribadong ospital sa lalawigan.

Ito’y upang mabantayan kung saan-saang lugar magkakaroon ng mga mabibiktima ng paputok at pagpapaputok ngayong pagsalubong sa 2023.

Binigyang diin pa ni Flores na bagama’t handa na ang lahat ng kagamitan at mga medical personnel, hinihikayat pa rin ng DOH ang publiko na huwag nang magpaputok upang masigurong makapag-APIR pa nang kumpleto ang mga daliri.

Magpapadala naman ng karagdagang Health Emergency Team ang DOH sa naturang ospital upang tumulong sakaling dumami ang bilang ng mga dapat dapat magamot o mailigtas sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon

Kasalukuyang nakataas ang Code White Alert sa lahat ng mga ospital sa buong bansa.

Nangangahulugang handa nang rumesponde ang mga ospital sa anumang emergency – mapa trauma, sugat, o poisoning incidents na dulot ng mga paputok. (CLJD/SFV-PIA 3)

Tiniyak ni Department of Health Regional Director Corazon Flores (pangalawa mula sa kaliwa) ang kahandaan ng Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan sa pagtanggap ng mga posibleng maging biktima ng paputok at pagpapaputok ngayong pagsalubong sa Bagong Taon. (Shane F. Velasco/PIA 3)

About the Author

Shane Velasco

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch