No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mamamayan ng Kayapa, tumanggap ng tulong at serbisyo mula sa PNP

Nagbigay ng libreng serbisyo at tulong ang PNP sa mga mamamayan ng Kayapa, Nueva Vizcaya. Ito ay handog ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan (SIMBAYANAN) program ng ahensiya. Larawan mula sa PNP NVPPO FB Page

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Nagbigay muli ng iba’t-ibang tulong at serbisyo ang Philippine National Police (PNP) sa bayan ng Kayapa sa ilalim ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan (SIMBAYANAN) program ng ahensiya.

Ayon kay Provincial Director Police Colonel Kamlon Nasdoman, umabot 512 na mga mamamayan ng Kayapa ang nabiyayaan ng kanilang Outreach Services katuwang ang Solonio Pharmacy, Nueva Vizcaya Dental Association, Kayapa Municipal Health Office, Nueva Vizcaya Provincial Integrated Health Office, Kayapa Municipal Police Station, 1st NV Provincial Mobile Force Company at ang NVPPO Officers’ Ladies Club.

“Kami po ay nagpapasalamat sa ating mga katuwang na ahensiya. Ang tulong po natin ay naipamahagi sa ating mga mamamayan na nangangailangan ng serbisyo ng pamahalaan,” pahayag ni  Police Colonel Nasdoman.

Ang outreach services ng PNP na kinabibilangan ng gift-giving at medical-dental services ay dinaluhan ng mga mamamayan mula sa barangay Kayapa Proper East at West, at Alang Salacsac sa bayan ng  Kayapa.

Dinaluhan din ito ni Governor Carlos Padilla  kung saan naisagawa dito ang iba’t-ibang serbisyo para sa mga mamamayan gaya ng libreng medical check – up, tooth at lice extraction, pagbibigay ng hygiene kits, tuli, gupit, pagpapakain at libreng tsinelas sa mga nangangailangan. (OTB/BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch