No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Batangas City Fiesta activities, handa na

LUNGSOD NG BATANGAS(PIA)—Kasado na ang iba’t-ibang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Batangas City Fiesta sa darating na Enero 2023.

May tema ang pagdiriwang na “Masaya ang Sama-samang Nagkakaisa”.

Pormal na ipakikilala sa publiko ang 20 Bb Lungsod ng Batangas 2023 candidates sa pamamagitan ng isang motorcade at Press Conference sa ika-5 ng Enero habang isasagawa ang Talent Show ng mga kandidata sa ika-6 ng Enero na gaganapin sa People’s Quadrangle.

Taunang nagiging highlight ng pagdiriwang ang Batangan Fluvial procession,isang pagpupugay ng mga Batangueno sa mahal na Patron na gagawin sa Calumpang River sa ika-7 ng Enero.

Magkakaroon din ng Battle of the Bands sa Peoples Quadrangle sa darating na Enero 8.

Mula Enero11-14, ibat-ibang pagtatanghal ang mapapanood sa Amphi Theater ng Plaza Mabini sa ganap na ikaanim ng gabi.

Isasagawa ang koronasyon ng Bb. Lungsod Quest 2023 sa ika-15 ng Enero sa Batangas City Sports Coliseum kung saan ito ay tatampukan ng mga sikat na artista sa telebisyon at pelikula.

Sa mismong araw naman ng Kapistahan sa Enero 16 isasagawa ang parada na magsisimula sa Batangas City Sports Coliseum grounds.

Muling magkakaroon ng jobs fair na tinaguriang Handog ni Mayor: Trabaho para sa mga taga-lungsod ng Batangas sa Batangas City Sports Coliseum sa ika-21 ng Enero.

Kaugnay ng mga aktibidad na ito,inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga nabanggit na gawain na inihanda ng Cultural Affairs Commitee ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa pangunguna ni Mayor Beverley A. Dimacuha. (MDC/PIA Batangas may ulat mula sa PIO Batangas City)


About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch