No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DTI nagsagawa ng pagsasanay sa pagproseso ng Cacao sa Odiongan

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Nagsagawa ng pagsasanay sa cacao processing, machine operation and maintenance na pinangunahan ng Department of Trade & Industry (DTI) Romblon sa Shared-Service Facility  (SSF) Cacao Processing Center sa bayan ng Odiongan, Romblon para sa mga miyembro ng Romblon Cacao Agricultural Cooperative at ilang magkakakaw mula sa iba’t ibang bayan.

Ayon sa Odiongan Public Information Office, ito ay joint program sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Odiongan at DTI Romblon na naglalayong masimulan ang industriya ng pagproseso ng cacao sa Odiongan.

Bilang suporta ng lokal na pamahalaan, ipinagawa nito ang bagong pasilidad sa loob ng Odiongan Public Market Complex na gagamitin bilang shared facility ng post-harvest processing ng cacao. Nasa pasilidad na rin ang mga makinang kaloob ng DTI para mapabilis ang pagproseso at matiyak ang kalidad nito.

Ang pagbubukas ng pagsasanay ay pinangunahan nina DTI Provincial Director, Noel Flores at ni Dr. Ramer Ramos bilang kinatawan ng lokal na pamahalaan. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch